Monday, March 2, 2009







Pananaliksik tungkol sa mga

HIWALAYAN SA SHOWBIZ


Filipino 1



Ipinasa kay:

Professor Beverly Siy



Ipinasa nina:

Yanzeigh Lois Balachawe

Evelyn Ho

Beatrice Carandang

Kerensa Camille Vidal

Mark Merto



Pebrero 28, 2009




Panimula


A. Panukalang Pahayag

Maraming mga artista, matapos ikasal, ay nauuwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

B.
Introduksiyon / Paglalahad ng Suliranin

a. Pagtukoy sa Paksa

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa mga artistang nakipaghiwalay sa kani-kanilang mga asawa.

b. Paglalahad ng Suliranin

Pataas ng pataas ang mga bilang ng mga artistang naghihiwalay matapos ang ilang taong pagsasama. Mayroon ring mga artista ang naghihiwalay kahit wala pang isang taon ang kanilang relasyon at kahit may anak pa sila. Tila, nawawala na ang kabanalan ng Sakramento ng Kasal sa buhay ng mga artista.


c. Kaligiran ng Paksa o Suliranin

Nakakabahala ang pagtaas ng mga artistang nakikipaghiwalay sa kani-kanilang mga asawa. Tila kinukunsinte na ang bagay na ito. Sa kabila ng pangako nila sa harap ng altar na magsasama habang buhay sa hirap at ginhawa sa lungkot at saya, marami pa rin nakikipaghiwalay sa kanilang asawa. Parang isang laro lamang ang mga kasal sa showbiz; kapag nagsawa na, iiwan na lamang ito. Ikakasal ngayon, maghihiwalay bukas. May mga artistang sila mismo ang nakikipaghiwalay sa kani-kanilang non-showbiz na asawa, kung minsan naman, ang mga non-showbiz ang nakikipaghiwalay sa artista. Sa relasyon naman ng kapwa artista, kung minsan ang lalake o babae ang nakikipaghiwalay.


Isa marahil sa mga dahilan ay ang hindi paghahanda nang husto bago pumasok sa permanenteng relasyon. Hindi nila inuusisa ng mabuti kung ang kanilang nararamdaman ay totoo. Madali silang nagpapadala sa kanilang emosyon na nagiging resluta ng tinatawag na “whirlwind romance”. Hindi sila nag-iisip ng mabuti bago gumawa ng desisyon kaya naman dagliang nawawalan sila ng interes pagkatapos ikasal. Naging tatak na sa isip ng karamihan na mga artista na kapag may problema, hiwalayan ang solusyon. Hindi nila binibigyan ang kani-kanilang mga sarili na maayos ang lahat. Marahil, hinahanap rin ng kani-kanilang sarili ang dating nakagawiang gawin kaya sa paglabas ng problema, ginagamit nila itong dahilan para maghiwalay.


Nagiging trend na sa showbiz ang mga hiwalayan. Hindi na bago ang mga ganitong sitwasyon. Bakit kapag artista, napakadali lamang sa kanila ang makipaghiwalay? Bahagi na nga ba ito ng yugto ng buhay ng isang artista?


d. Personal o Panlipunang udyok sa pagpili ng paksa

Ang mga mananaliksik ay naniniwala sa kabanalan ng mga sakramento gaya ng Sakramento ng Kasal.


Nakakabahala bilang mga estudyante, ang pagdami ng mga usong-uso na hiwalayan sa showbiz na maaaring makaapekto sa isip ng mga kabataan ngayon. Sa halip na nakakatulong ang mga artista bilang modelo ng magandang asal, sila pa ang nangunguna sa paglabag sa Sakramento ng Kasal.


Bilang mga “future parents” dapat lang na malaman ang mga ganitong problema na karaniwang hinaharap ng mag-asawa para maiwasan. Ang pagkakaroon rin ng kaalaman sa mga ganitong isyu ay nakakatulong para maging isang responsableng mga magulang sa hinaharap. Natututo ka sa karanasan ng iba na maaaring makapaghubog sa iyong personalidad.


Kaya hangad nito na maitala ang mga dahilan ng mga hiwalayan sa showbiz upang matimbang ang kanilang dahilan. Hangad din ng mga mananaliksik na malaman kung may ugnayan ang mga nangyayaring hiwalayan ng nga artista sa pagtaas ng mga bilang ng mga simpleng mamamayang Pilipino na naghihiwalay rin.


At kung maaari pa sana ay upang hamunin ang mga artistang hindi marunong kumilala ng kagandahang asal at mabuksan ang kanilang isip na hindi lamang sila gumagawa ng isang simpleng istorya sa showbiz kundi isa ring kasaysayan na maaaring magpabago sa konsepto ng “kasal” sa mga kabataang manonood.

C. Rebyu o Pag-aaral

Wala masyadong paunang pananaliksik hinggil sa mga hiwalayan ng mga artista. Kung meron man ay dokumentasyon lamang ito ng mga showbiz-oriented talk shows.


Ilan sa mga showbiz talk shows na maaaring may dokumentasyon ng mga showbiz chikas ay The Buzz, Entertainment Konek, Startalk, Chika Minute, SNN at iba pa. Ipinapalabas dito ang mga iba’t ibang isyu ng mga artista na kanilang kinasasangkutan noon at ngayon.

Pwede ring mabasa sa mga magazines gaya ng YES!, FHM, Candy, Health Home at iba pa ang mga kasalukuyang isyu na hinaharap ng mga artista. Maging ang kanilang estado sa buhay ay nailalathala rin sa iba’t ibang pahayagan.


Sa aklat naman ni Boy Villasanta, EXPOSE: Peryodismong Pampelikula sa Pilipinas, na inilathala ng University of Santo Tomas Publishing House, tinalakay ang sari-saring aspeto, kulay at lasa ng peryodismong pampelikula.


Halos sa mga aklat na aming nabasa ay walang ispesipikong aklat na ang pokus ay isyu ng hiwalayan sa mga artista. Halos ay mga ginawang pelikula, tinanggap na parangal at kontribyusyon lamang ng mga artista sa showbiz ang tinatalakay. Wala masyadong ginawang pagtalakay sa mga nasirang relasyon ng mga artista. Kung meron man ay babanggitin lamang ngunit hindi detalyado.


Sa kabilang dako, ang mga naunang ulat sa telebisyon ay halos pangkalahatang porsiyento ng mga hiwalayan ang ibinibigay. Hindi sinasabi kung ilang eksakto ang mga bilang ng mga artista. Maging mga totoong dahilan ng hiwalayan ay di masyadong malinaw.


D. Layunin

a. Pangkalahatan

Layunin ng pananaliksik na makapag-ambag ng kaalaman tungkol sa isa sa mga aspekto ng buhay ng isang artista. Layunin din ng pananaliksik na makatulong sa pag-aaral hinggil sa mga isyu sa showbiz na nakakasira sa “family life” ng isang artista.


b. Tiyak

Layunin ng pananaliksik na makapag-ambag ng bagong tuklas na kaalaman para sa kagalingan ng sangkatauhan.


Layunin ng pananaliksik na makatulong sa pagbukas ng isip ng mga artista sa kabanalan ng kasal. Gayundin ang pagpapaliwanag sa epekto nito sa iba’t ibang aspekto. Ito rin ay makakatulong sa pagbibigay-kaalaman ukol sa dahilan ng mga hiwalayan sa showbiz na maaari ring makatulong sa masa.


Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay ng mga halimbawa ng mga artistang naghihiwalay.


Layunin ng pananaliksik na ito na makapagsinop ng mga masasamang epekto ng mga hiwalayan sa dating mag-asawa. Gayundin ang kanilang kasalukuyang kilos.


Layunin din ng pananaliksik na matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa dagliang relasyon ng mag – asawa upang masuri ang mga ito.


Layunin din na hingan ng pahayag ang mga lider ng simbahan hinggil sa isyu ng hiwalayan ng mga artista. Pati ang mga fans o mamamayan ay hihingan rin ng reaksiyon.


E. Halaga

Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil wala pang dokumentasyon sa mga hiwalayan sa showbiz. Maaaring idinokumento ito ng mga reporter sa media ngunit walang pormal na pananaliksik dito.


Maaari ring makatulong ito sa mga estudyante sa Komersiyo na major sa “Economics” sapagkat ang hiwalayan ay kabilang sa economic issues na pinag-aaralan sa “Economics”. Karaniwang ginagawan ito ng sarbey at linalagay sa grap upang malaman ang porsiyento.


Makakatulong din ito hindi lamang sa mga artista kundi sa masa, upang malaman nila ang epekto ng hiwalayan. Hinuhubog nito ang personalidad ng isang tao upang maging isang responsableng magulang dahil natututo ka sa karanasan ng iba.


Maaari ring maging tulay sa pagbukas sa mata ng mga artista sa kabanalan ng kasal. Maaari ring magsilbing inspirasyon ang pananaliksik na ito sa mas malawak pang pananaliksik hinggil sa mga artista.


F. Konseptuwal na Balangkas


G. Metodolohiya

- Paghahanap ng mga artistang may isyu ng hiwalayan sa internet, magazine, diyaryo at libro

- Paghahanap ng mga nauna ng isinagawang serbey sa porsiyento ng mga hiwalayan sa Pilipinas

- Pagkalap ng dokumentasyon ng mga interbyu ng mga artista

- Paghingi ng reaksiyon ng mga estudyanteng Tomasino hinggil sa hiwalayan sa showbiz


H. Saklaw/Delimitasyon

Ang mga sikat o may malaking pangalan lamang sa showbiz na may isyu ng hiwalayan ang tuon ng pansin ng aming pananaliksik. Maaring mabanggit ang ibang di masyadong sikat na naghiwalay sa kanilang asawa ngunit hindi sila masyadong bibigyan ng pansin. Ang mga anak din nila ay mababanggit sa pag-aaral ganun din kung papaano ang kasunduan nila tungkol sa sustento.


Pagtutuunan din ng pansin ang kasalukuyang mga pagkilos ng mga mag –asawang naghiwalay na o ang kani-kanilang bagong buhay. Mababanggit din ang mga 3rd party ng artista kung mayroon man, ngunit hindi ito masydong pagtutuunan ng pansin.

Pagtutuunan din ng pansin ang batas ng simbahan sa Sakramento ng Kasal.


Ang mga ginawang pelikula, natanggap na parangal at iba pang kontribusyon sa showbiz ay mababanggit din ngunit hindi ito masyadong detalyado. Gayundin ang ilang personal background gaya ng totoong pangalan, kaarawan, at iba pa.


I. Daloy ng Pag-aaral

Ang unang bahagi ng pananaliksik ay ang pagbibigay ideya kung ano ang pananaliksik na ito.


Ang ikalawang bahagi ay ang pagpapakilala sa mga artistang nakipaghiwalay sa kanilang asawa at mga salik ng hiwalayan sa showbiz.


Ang huling bahagi ay ang interpretasyon sa mga nakalap na datos.



Katawan


A. Mga artistang may isyu ng hiwalayan

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga artistang hiwalay sa kani-kanilang mga asawa. Ang pananaliksik ay tumatalakay sa isyu ng hiwalayan nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren, Vic Sotto at Dinna Bonavie, Alma Moreno at Joey Marquez, Carmina Villaroel at Rustom Padilla, Bernard Palanca at Meryll Soriano, Snookey Serna at Ricardo Cepeda, Jomari Yllana at Aiko Melendez, Martin Nieverra at Pops Fernandez, Jackie Lou Blanco at Ricky Davao, Ramon Christopher at Lotlot de Leon, Janice de belen at John Estrada At ilan sa mga artistang hiwalay sa non-showbiz husband gaya ni Sheryl Cruz kay Norman Busto, Willie Revillame kay Liz at Ruffa Gutierrez kay Yilmaz Bektas.


B. Katawan

Kasabay ng pagtuklas ng mga makabagong teknolohiya gaya ng radyo, telebisyon, telepono, cellphone, internet at iba pa, ay ang pagtaas rin ng maraming isyu sa bansa. Nakakatulong nga ang mga teknolohiyang ito, ngunit sa kabilang dako ay nagiging sanhi ng gulo. Pagbukas mo ng telebisyon ay ang hindi matinag na isyu sa pamahalaan, krimen sa lipunan, krisis sa mundo at dagdag pa dito ang isyu sa showbiz.


Ang showbiz industry ay nagiging isa na rin sa pinakamalaking sektor na pinag-uusapan. Hindi natin maikakaila na malaki na rin ang nagiging papel ng showbiz sa buhay ng isang simpleng tao. Kapag showbiz ang pinag-uusapan andyan ang naglalakihang isyu na ibinabato sa artista. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hinding-hindi mawawala ang mga isyu; totoo man o hindi. Isa sa pinakamalaking pasabog sa showbiz ay mga isyu ng hiwalayan. Hindi na bago sa pandinig kapag may narinig na isyu ng hiwalayan. Tila, naging bahagi na sa yugto ng buhay ng isang artista.


Para sa mga showbiz-oriented talk show gaya ng The Buzz, Entertainment Konek, Chika Minute, SNN at iba pa, isang malaking scoop kapag sila ang unang nakaalam at nagbalita sa isyu ng hiwalayan lalong-lalo na kapag malaking pangalan ang sangkot dito.


Sa kabilang dako, kahit pa sabihin mong trend na ito sa showbiz, sa mata ng Diyos mali pa rin ito. Ito ay paglabag sa isa sa mga Sakramento ng simbahan. Ibinigay ni Hesus ang mga sakramento upang pagalingin, pakanin at palakasin tayo. Ito ay hindi lang basta simbolo kundi isang pamamaraan upang makamit natin ang grasya at pagmamahal ng Diyos.


Ang Sakramento ng Kasal ay isang pagdiriwang ng pagmamahalan ng lalaki at ng babaeng ikinakasal. Ito rin ang tulay upang mabigyan ng Diyos ng natatanging biyaya ang mag-asawa upang matulungan sila sa kahirapan sa buhay at upang mapalaki nila ang kanilang anak na isang mapagmahal na tagasunod ni Kristo.

Tatlo ang nasasangkot sa pag-aasawa: ang babae (bride), ang lalake (groom), at ang Diyos. Kapag ang dalawang Kristiyano ay tumanggap ng sakramento ng matrimonyo, ang Diyos ay sumasaksi sa kanila, sinasaksihan at binabasbasan ang kasunduan nila sa kasal. Ang sakramento ng kasal ay permanente; tanging ang kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa kanila. (Marcos 10:1-12, Roma 7:2-3, 1 Corinto 7:10 -11). Ang mga sakramento ay hindi lang ritwal na walang laman. Ang banal na pagsasamang ito ay buhay na simbulo ng hindi mapaghihiwalay na kaugnayan ng Diyos at ng Simbahan (Epeso 5:21-23) Malaki ang ginagampanan nito sa pagbuo ng isang masayang pamilya.


Pero sa isang artista, tila ang orihinal na konsepto ng kasal ay nawawala na. Datapwat, alam nila na kasalanan sa Diyos ang maghiwalay lalong-lalo na kapag tinanggap mo ang Sakramento ng Matrimonya, ginagawa pa rin nila. Pinapasok nila ngunit hindi nila pinapanindigan kaya nauuwi sa hiwalayan. Ang Kasal sa showbiz ay parang isa lamang “pagdiriwang”. Isang panandaliang aliwan para sa mga taong imbitado lalong-lalo na kapag engrande ito. Isang araw ng paghahanda ng maraming pagkain. Isang paraan ng pagpapasikat upang makagawa ng isyu at mapag-usapan sa banding huli.


Sa dami na ng artista ay hindi na mabilang ang mga may isyu ng hiwalayan. Ilan sa mga ito ay di na aktibo sa showbiz o di kaya’y nangibang-bansa. Ngunit, marami pa rin sa mga nakagawa na ng pangalan sa industriya ang bumabalik sa showbiz pagkatapos ng hiwalayan.

Ilan sa mga halimbawa ng mga artistang may isyu ng hiwalayan sa showbiz ay sina:


Sharon Cuneta-Gabby Concepcion:

Sina Sharon at Gabby ay naging unang naging magkatambal sa pelikulang pinamagatang, Dear Heart. Dito nag-umpisa ang kanilang pagtitinginan sa isa’t-isa. Ang tambalang Sharon at Gabby ay naging isa sa mga pinagtitiliang tambalan noong 1980’s. Ang kanilang “on screen love team” ay nauwi sa totoong pag-iibigan. Mas lalong kinilig ang kanilang tagahanga ng sabihin nila sa publiko ang kanilang engagement. Hindi nagtagal ay nagpakasal sila sa Church Wedding in the Basilica of Manila Cathedral noong Setyembre 23, 1984. Naging isa sa ninong nila ang dating presidente na si Ferdinand Marcos. Itinuturing itong isa sa pinaka-engrandeng kasalan na naganap sa showbiz. Si Sharon ay 19 taong gulang noon at si Gabby naman ay 20 taong gulang pa lang. Noong April 1985, ipinanganak ni Sharon ang kanilang unang anak na pinangalanang, Maria Kristina Cassandra Concepcion na mas kilala bilang KC Concepcion. Ngunit sa pagdaan ng panahon ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama sa di malinaw na dahilan.

Sa kabila ng kanilang maugong na isyu ng hiwalayan naging tuloy-tuloy pa rin sila sa pag-arangkada sa showbiz. Wala gaanong epekto sa kanilang career ang nangyaring hiwalayan. Ngunit noong 1994, naging laman ng pahayagan ang Manila Filmfest Scandal na umepekto sa career ni Gabby. Sina Gabby at Ruffa Gutierrez ay pinarangalang Best Actor at Best Actress sa Manila Filmfest na dapat sana ay kina Edu Manzano and Aiko Melendez. Huli lamang nabalitaan na ito ay kagagawan ng kaniyang manidyer na si Lolit Solis.

Noong 1995, iniwan ni Gabby ang showbiz at lumipad patungong California, US kung saan niya itinuloy ang kanyang pag-aaral ng Management Information Systems sa Lincoln University. Namuhay siya ng simple, malayo sa gulo ng showbiz.

Kasabay ng kanyang pagkawala sa bansa ay ang pagpapakasal ng dati niyang asawa. Si Sharon ay muling ikinasal kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan noong Abril 28, 1996. Namahinga muna siya sa showbiz ng ilang taon upang pagtuunan ng pansin ang kanyang bagong pamilya. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng dalawa pang supling na sina Simone Francesca Emmanuelle (Frankie) na ipinanganak noong Disyembre 2000 at si Mariel Daniella Sophia (Miel) na ipinanganak noong Setyembre 2004. Si KC ay legally adopted na ni Senator Pangilinan.

Sa kanyang pagbabalik sa showbiz noong 2004 ay nanatili pa rin ang kanyang pagiging kaisa-isang bituin. Pinarangalan siyang Best Actress sa kanyang pelikulang, Crying Ladies sa In Brussels International Film Festival.

Noong Enero, 2005, ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-39 na kaarawan sa kanyang come-back show na “Wish Upon A Mega”. Nang sumunod na taon, binigyan agad siya ng sariling talk show ng ABS-CBN, “Sharon”, na siyang pinagkaka-abalahan niya hanggang ngayon.

At noong Enero 2008, ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-30 taon bilang mang-aawit at ika-27 bilang aktres. Sa taong rin ito ay bumalik si Gabby sa Pilipinas. Sa kanyang pagbabalik, naging laman ng pahayagan ang kanyang pangalan. Naroon pa rin ang kanyang kagwapuhan ngunit mababasa mo na sa kanyang mukha ang ilang guhit ng pagtanda. Sa kanyang pagbabalik, una niyang hinarap ang mga dati niyang kaso na hindi niya tinapos dahil sa kanyang pag-alis sa bansa noong 1996. Marami ring mga isyu ang ibinato sa kanya kasama na dito ang tungkol sa talent fee. Akala ng lahat ay mananatili siya sa GMA-7, ngunit nagimbala ang lahat ng una siyang lumabas sa isa sa episodes ng “Maalaala Mo Kaya.” Pumirma siya ng 7 taong kontrata sa ABS-CBN. Binigyan rin siya ng teleserye, “Iisa Pa Lamang,” kung saan naging katambal niya si Claudine Barretto.

Si Gabby ay may apat ng mga anak. Una ay si Maria Kristina Cassandra C. Concepcion o KC Concepcion na isa sa pinakamagandang mukha ngyon sa showbiz. Pangalawa ay si Gabrielle na anak niya kay Grace Ibuna; pangatlo ay si Chloe na anak niya sa isang modelong aktres na si Jenny Syquia at si Samantha Alexis na anak niya sa kanyang kasalukuyang asawa na si Genevieve Yatco Gonzales. Sa ngayon, naroon sila sa California, USA.

Sa kabilang dako, nitong mga nagdaang buwan bago matapos ang taong 2008, naging laman ng pahayagan ang tsismis na hiwalay na sina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta. Nagsalita naman sila at pinabulaanan na hindi ito totoo.

Samantalang, sinorpresa ni Gabby Concepcion ang kanyang ex-wife Megastar Sharon Cuneta noong 43th concert birthday nito sa Araneta Coliseum noong Enero 9, 2009. Ang mga tagahanga nila ay nakilig sa dating magkatambal. Makikita mo naman sa kanilang mukha ang saya sa pagkikita muli ng dalawa.


Dina Bonnavie-Vic Sotto:

Taliwas sa personalidad ni Dina, napangasawa niya si Marvic Castelo Sotto o sikat sa tawag na Vic Sotto o “Bossing”. Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Danica at Oyo Boy.

Ang pagsasama nila ay nasira dahil sa isyu ng 3rd party kay Vic Sotto. Ilan sa mga babaeng naging bahagi ng buhay ni Vic ay sina Coney Reyes, Angela Luz at Chistine Jacob. Nagkaroon siya ng dalawang anak; si Vico kay Coney at Paulina kay Angela.

Sa kasalukuyan ay may karelasyon niya ang kanyang kapwa TV host sa Eat Bulaga na si Pia Guanio. Si Dina Bonnevie ay may boyfriend na ring Lebanese national. Sampung taon ang tanda ni Dina sa current boyfriend niya, si Habib Shammas. Tatlong taon na ang relasyon nila, at so far ay wala raw silang nagiging problema. Nakilala na nga raw ng ex-husband niyang si Vic Sotto si Habib. Nagkaroon na nga rin sila ng double date, kasama ang current girlfriend ni Vic na si Pia Guanio. Nagkasama ang kaming apat noong kaarawan ni Oyo Boy.. Okey si Habib kay Vic, okey naman si Pia sa akin. Kaya parang rin silang isang buong pamilya. Abante March 28, 2008

Pagdating naman sa kanilang anak ni Dina, dalaga at binata na sila kaya hindi sila masyadong nagkakaroon ng problema tungkol sa kanila. Si Danica ay 28 taong gulang na at may sarili ng pamilya habang si Oyo Boy ay 26 taong gulang na at may sarili na rin itong negosyo.


Alma Moreno-Joey Marquez:

Si Vanessa Lacsamana sa totoong buhay ay kilala sa tawag na Alma Moreno sa maraming pelikula. Siya ya ipinanganak noong Mayo 25, 1959 sa Cervantes, Ilocos Sur kina Frank Lacsaman at Jean Moreno.

Si Ness ay unang nagkaroon ng relasyon kay Action King Rudy Fernandez kung saan nagkaroon siya ng anak na si Mark Anthony Fernandez. Ang kanyang pagiging kwela ay naging susi rin upang makilala niya ang King of Comedy, Dolphy. Nagkaroon sila ng live-in affair na naging bunag si Vandolph.

Sa kabila ng pagkakaroon niya ng anak sa ibang lalake, tinanggap siya ni Joey Marquez bilang kanyang asawa. Sila ay ikinasal noong Disyembre 17, 1994 at nagkaroon ng tatlong anak na sina Yeoj, Win-win at VJ. Ngunit gaya rin ng ibang artista ang kanilang 12 taong pagsasama ay nauwi rin sa hiwalayan. Napawalang-bisa ang kanilang kasal noong Abril 15, 2004 "on the ground of psychological incapacity of both parties." (Philippine Daily Inquirer [Manila] 2004 Abril 15).

Tinanggap ng korte ang mga ebidensiyang ihinarap ni Joey Marquez at ang “expert findings” ng psychiatrist na si Dr. Cecilie Villegas na nagsasabing ang magkabilang panig ay dumaranas ng “psychological inacapcity” noong planuhin nilang magpakasal noong Disyembre 17, 1994 kaya hindi nila magampanan ang papel ng isang responsableng mag-asawa. Ayon sa report ni Dra. Villegas, si Joey ay dumaranas ng “inadequate and immature personality disorder” dahil sa walang kinagisanang ama sa kanyang paglaki. Si Alma naman ay dumaranas ng anti-social personality disorder dahil sa kakulangan ng kanyang mga magulang na maging responsible na naging dahilan upang siya’y magkaroon ng “impulse-ridden associated with ego deficits in planning and judgment, giving rise to primitive or poorly formed conscience or superego responsible for her anti- social behavior" (Philippine Daily Inquirer [Manila] 2004 Abril 15). Nangangailangan lamang siya ng pagmamahal, atensiyon at tiwala mula sa ibang tao.

Sa desisyon ng korte, ang kustodiya ng kanilang mga anak ay kay Alma Moreno mapupunta. Si Joey rin ay magbibigay ng Php200,000 bilang buwanang sustento sa kanilang tatlong anak at ang kanilang ampon.

Matapos ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal ay tumakbo si Alma bilang mayor ng Paranaque City ngunit siya ay natalo. Ngunit hindi pa rin siya sumuko sa pagpasok sa pulitika, kaya sinubukan niya uling tumakbo bilang konsehal noong 2007 at siya ay nanalo.

Sa kabilang dako, ang kanyang dating asawa na si Joey Marquez ay nagkaroon din ng live-in affair matapos ang kanilang hiwalayan ni Alma. Ang kanyang pinakontrobersyal na isyu ay ang kanilang naging relasyon ni Kris Aquino. Noong Setyembre 30, 2003, isang taon bago pa mapawalangg-bisa ang kasal niya kay Alma, isiniwalat ni Kris ang pananakit sa kanya ni Joey noong Setyembre 22, 2003 sa loob ng isang unit ng Essensa condominium sa The Fort, Makati City (Philippine Daily Inquirer [Manila]. 2003 September 30). Sinampahan siya sa Pasig Prosecutor's Office ng kasong grave coercion, grave threats at illegal possession of fire arms. Kaya naharap sa maraming kaso si Joey kabilang na dito ang annulment case nila ni Alma Moreno.

Marami rin ang nagimbal nang sabihin ni Kris Aquino sa publiko na mayroon siyang sexual transmitted disease na nakuha niya kay Joey. Sinabi niyang ito ay dahilan ng pagkakaroon ng ibang babae ni Joey habang sila ay maglive-in pa lang. Dahil sa mga isyung ibinatikos sa kanya, naapektuhan ang kanyang pagtakbo muli noong 2007 eleksiyon kaya siya ay natalo.

Nitong Enero 6, 2009, nalinis ang kanyang pangalan kasama ang dalawa pang kongresista sa kasong graft and estafa na isinampa sa kanila ni Lizabeth Carreon dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Samantalang si Ness ay ikinasal na sa 43 taong gulang na mayor ng Marawi. Isang civil wedding lamang ang nangyari noong Enero 25, 2009. Huling nalaman ito ni Joey. Masaya naman siya para kay Alma. Nakilala ni Alma ang kanyang asawa ngayon noong may convention sila sa mga local na opisyal. Habang si Joey ay masaya naman sa kanyang single life.

Carmina Villaroel-Rustom Padilla:

Si Rustom Padilla ay isa sa pinakagagwapuhang mukha sa showbiz noong 1990’s. Siya ang panganay sa magkakapatid na aktor na sina Robin, Rommel at Royette Padilla. Siya ay ipinanganak noong Mayo 15, 1965. Naging isa siya sa mga Regal babies noong 1980’s. Lumipat siya sa Viva Films noong 1990’s kung saan naging katambal niya si Carmina Villaroel. Dito nag-umpisa ang kanilang magandang pagtitinginan sa isa’t-isa. Ikinasal sila ngunit matapos ang tatlong taong pagsasama na walang anak ay naghiwalay din sila. Walang malinaw na dahilan ang kanilang naging dhailan ng kanilang hiwalayan.

Ipinagpatuloy nila ang kani-kanilang career sa showbiz. Siya ang naging host ng franchised version ng “Wheel of Fortune” sa ABC-5. Matapos ang ilang taong pamamalagi sa Pilipinas ay iniwanan ang showbiz at lumipad ng US matapos ang pagbubunyag ni Carmina na siya’y buntis kay Zoren Legazpi.

Nabigla ang lahat sa kanyang pagbabalik noong 2002 dahil sa kayang bagong itsura. Wala na ang kanyang dating kakisigan dahil pumayat siya at nagmukahang mas tumangkad pa. Marami ang balita na siya’y bakla ngunit sinabi niyang siya ay tunay na lalake. Kaya naman kusa ring nawala ang isyung ito. Bumalik siyang muli sa US at matapos ang ilang taon ay pumasok siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition bilang isa sa 14 housemates. Noong Marso 2, 2006, isiniwalat niya kay Keanna Reeves na siya ay bakla. Ayon sa usap-usapan, siguro isa ito sa mga dahilan ng di nila pagkakaroon ng anak at paghihiwalay nila ni Carmina.

Pagkatapos ang kanyang paglabas sa bahay ni kuya ay balik pelikula na agad siya. Naging kasama siya sa cast ng Zsazsa Zaturnnah bilang bakla, sa TV series ng GMA-7 na La Vendetta at sa pelikulang Happy Hearts bilang baklang amg ni Rayver Cruz. Isa itong patunay na tanggap naman siya ng publiko at maging mga kaibigan niya sa industriya.

Bumalik siyang muli sa United Staes upang mag-aral ng modeling ng tatlong buwan at sa kanyang pagbabalik sa bansa ay hindi mo aakalaing siya ay isang “Padilla”. Nagpalit na rin siya ng pangalan bilang Bebe Gandanghari (http://abs-cbnNEWS.com 2009) kasabay ng kanyang pagbabagong anyo bilang totoong babae. Ayon sa kanya, patay na si Rustom Padilla at narito siya ngayon bilang Bebe Gandanghari. Siya na ngayon ay parang totoong babae kung umasta. Ayon sa Unang Hirit, pumapasok na rin siya sa Ladies CR.

Nang hingan ng pahayag ang kanyang dating asawa na si Carmina, sinabi lang niya na,“We’ve moved on. As long as he’s happy, go!”. Sa pahayag na ito, makikita mo naman ang kasiyahan rin ni Carmina bilang kaibigan sa pinili ni Rustom na bagong buhay. Sa kilos at galaw ni Rustom ay mababas mo rin ang kanyang totoong kasiyahan dahil matapos ang pagsiwalat niya sa kanyang totoong katauhan, malaya na niyang nagagawa ang kanyang gustong gawin. Tanggap naman siya ng kanyang pamilya. Sa katunayan ang kanyang ate pa nga ang nagbigay ng kanyang bagong pangalan na Bebe Gandanghari.

Sa kasalukuyan, kasama si Bebe Gandanghari sa cast ng “Eva Fonda” bilang bakla na kaibigan ni Christine Reyes.

Sa kabilang dako, bagamat hindi pa ikinakasal, masaya na rin si Carmina sa piling ng kanyang asawa na si Zoren Legazpi at ang kambal nitong anak na sina Maverick at Cassandra. Humahataw na rin ang kanilang pamilya sa mga commercials at product endosements. Sunud-sunod nga ang dumarating na projects hindi lang sa kanila bilang mag-asawa, kundi bilang isang pamilya, kasama ang kanilang kambal na sina Maverick at Cassandra. (Philippine Entertainment Portal January 17, 2009)

Ang latest endorsement nga na tampok ang Villaroel-Legaspi family ay ang environment-friendly na SM Supermalls Green Bags. Ang mga multi-purpose bags na ito ay reusable at available in four exclusive and collectible designs by renowned visual artist Manuel Baldemor. The designs represent Graces from the Air, Graces from the Land, Graces from the Sea, and Spritual Light and Supreme Energy. At ang piso sa bawat mababentang green bag ay mapupunta sa isang institution na advocate ng better environment.

Si Carmina rin ay isa sa mga host ng GMA variety show, “Sis” kasama sina Gelli at Janice de Belen.

Ogie Alcasid-Michelle Van Eimeren:

Ang pagmamahalan nina Ogie at Michelle ay isang patunay lamang sa kasabihang, “Love conquers all.” Pinatunayan nila na hindi hadlang ang kultura, paniniwala, tradisyon at maging tangkad pagdating sa dalawang taong nagmamahalan. Si Michelle ay ang 1994 Miss Australia. Nakilala ni Ogie si Michelle noong ganapin ang Ms. Universe dito sa Pilipinas. Dito nag-umpisa ang kanilang magandang pagtitinginan. Mas lumalim pa ang ito nang pagdesisyunan ni Michelle na manatili muna dito. Nasundan pa ito nang kanilang pagtatambal sa maraming pelikula. Hindi nagtagal ay nagkaroon na rin sila ng pormal na relasyon at sila ay ikinasal noong 1996.



Matagal ng iniintriga ang pagsasama nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren, pagkatapos bumalik si Michelle kasama ang kanilang dalawnag anak sa Australia noong 2003. Kumalat ang tsismis na naghiwalay na raw sila dahil nabuntis ni Ogie si Regine Velasquez ngunit mariin itong itinanggi ni Ogie na hindi raw ito totoo. Sa pagdaan ng taon, inamin na rin nina Ogie ang totoong estado ng kanilang pagsasama ni Michelle. Matagal na pala silanag hiwalay at may bago na itong mahal sa katuhan ni Asia’s Songbird, Regine Velasquez. Pormal na napawalang-bisa ang kanilang kasal noong Oktubre 2007.

Sa kabila ng pag-amin na ito, maganda pa naman ang relasyon ng bawat isa sa kanila. Sa katunayan, kapag pumupunta si Regine sa bansa ni Michelle, inaalagaan niya ito ng mabuti. Ganun din si Michelle kapag umuuwi ditto sa Pilipinas kasama ang kanilang anak ni Ogie. Nitong concert ni Ogie ay dumating sina Michelle at kanilang mga anak kasama ang boyfriend nito. Naging para silang isang pamilya.

Hanggang sa ngayon wala pa ring malinaw kung kailan nangyari ang pormal na hiwalayan at ang totoong dahilan nito. Maaaring ang kanilang dahilan ng hiwalayan ay ang magkaibang pananaw sa buhay. Siguro, gusto na rin ni Michelle na bumalik sa kanyang kinalakihang bansa. Tuloy-tuloy pa rin naman ang komunikasyon ng dalawa dahil may anak silang dapat nilang palakihin ng maayos.


Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga nagyon ni Michelle ang kanilang anak sa Australia. Wala namang masyadong intriga sa relasyon nina Ogie at Regine. Makikitang sila ay masaya sa kanilang piniling buhay.

Aiko Melendez-Jomari Yllana:

Noong 1980’s, nadiskubre ang kakaibang talento ni Aiko sa pag-arte na naging susi upang makapasok siya sa showbiz. Dito niya nakilala si Jomari Yllana na naging katambal niya sa maraming pelikula. Dito nag-umpisa ang kanilang magandang pagtitinginan na nauwi rin sa kasalan. Nagbunga ang kanilang anak ng isang supling na si Andrei. Ngunit gaya rin ng ibang artista, nauwi rin sa hiwalayan matapos ang isang taong pagsasama.

Ayon sa QC Regional Trial Court Branch 88 Judge Abednego Adre, napawlang-bisa ang kasal “on ground of prolonged refusal of a spouse to have sexual intercourse with his or her spouse is considered a sign of psychological incapacity." Laging ang dahilan ni Anjo ay pagod daw siya. Nalaman din ng korte na wala silang sexual contact noong honeymoon nila pagkatpos ng kanilang civil wedding noong 1998 at ang kanilang church wedding noong Hulyo 22, 2000. Kahina-hinala nga naman ito bilang isang mag-asawa.

Nabanggit din ng aktres sa korte na may karelasyon siya kahit noon pang nagsasama sila. Sa katunayan, nadiskubre niya ang isang condom sa kanilang kotse kaya tuluyan na ngang nakipaghiwalay siyang nakipaghiwalay kay Jomari.

Noong 2003, ay pumasok naman sa pulitika si Aiko. Siya ay nanalong kongresista ng Quezon City. Pagkatapos ang tatlong taon ay ikinasal siya kay Martin Jickain. Nagkaroon sila ng isang anak na pingalanang Marthena. Ang kanilang pagsasama ay nauwi rin sa hiwalayan dahil diumano sa pananakit ni Martin kay Aiko. Noong Hulyo 4, 2008, binigyan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 225 Judge Sempio Diy ng permanenteng proteksiyon si Aiko. Pinagbabawal si Martin na lumapit siya 1,000 metro kay Aiko. Ang kanilang anak ay mananatili sa kustodiya ni Aiko. Si Martin ay may 3 oras lamang tuwong Linggo upang bisitahin si Marthena.

Sa kabilang dako, si Jomari Yllana naman ay patuloy pa rin ang pagbibigay ng suporta sa kanilang anak na si Andrei. Kun minsan ay isinasama niya ito sa paglabas. Nagkaroon na rin siya ng relasyon ni Pops, ngunit hindi pa siguro kung sila pa hanggang ngayon.

Si Aiko Melendez naman ay kasalukuyang konsehal ng 2nd District ng Quezon City. Hindi na siya masyadong aktibo sa showbiz at mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagbibigay serbisyo sa kanyang bayan. Ayon sa Philippine Entertainment Portal (August 14, 2008),May bago na rin siyang boyfriend na si Patrick Meneses, vice mayor ng Bulacan.

Pops Fernandez-Martin Nievera:

Sina Pops at Martin ay masasabing masayang pamilya dahil mula pa noong una ay hindi naging maintriga ang kanilang relasyon. Sila ay magaling ding umarte ngunit mas nakilala sila bilang mang-aawit sa titulong Concert Queen and King.


Walang ideya ang showbiz industry sa nangyaring hiwalayan. Nalaman lamang ito ng lahat nang ipagtapat ni Martin sa ASAP. Nabigla ang lahat lalo na ang kanilang mga taghanga dahil parang biglaan ang mga pangyayari. Ayon sa mga ulat, isang Katrina Ojeda ang naging dahilan ng hiwalayan. Samakatuwid, si Martin Nievera ang may 3rd party na siyang sumira ng kanilang relasyon.


May boyfriend na rin si Pops, ang dating asawa ni Aiko na si Jomari Yllana. Mayroon na ring anak si Martin Nievera sa kanyang live-in partner na si Kristina nga. Sa isang exclusive interview kay Martin noong Disyembre 2008, ipinakita niya ang kayang kasiyahan sa piling ng kanyang bagong mahal na si Katrina. Sinabi niya na sa piling lamang ni Katrina niya nadama ang totoong kasiyahan.

Mga binata na rin ang anak nila ni Pops kaya naiintindihan naman nila ang nararansan ng kanilang mga magulang. Si Robin na panganay ay 21 taong gulang habang si Ram naman ay 17 taong gulang na rin.

Noong Enero 6, 2009, ginanap ang reunion concert nina Pops at Martin, ang Missing You, sa Araneta Coliseum. Sa concert, nagkapalitan din sila ng vows sa isa’t isa na sumorpresa sa kanilang mga tagahanga.Naging emosyonal ang dalawa habang binabasa ang kani-kanilang vows sa isa’t isa. Makikita rin sa mga taong nanood ang pagpahid ng luha at maging ang ilang celebrities ay nagsabing pinaiyak daw sila ng dating mag-asawa.

Narito ang “Now Vow” ni Martin kay Pops:

“Years ago, I’ve found a friend. From friendship to a love that never ends. Tonight, at this moment, I can say and it’s obvious to all that I can’t stay away. No matter what you do or who you’re doing it with, I will always be like a father and the father of your kids. I’m there when you need me even if privately, publicly, we fight. In front of family, friends, and God’s too, let me thank you for simply being you. The Pops I knew is far away. The Pops that you’re now is here to stay. So much to foe, you’ve grown to be, so proud am I that I quickly cried on TV.No matter what they say, no matter what they fight, we’ll always find a way to end our every fight. Some years ago, I said, ‘I do’ with you. Even though I didn’t do what I said I’ll do. So today, I am happy to still be a part of your life. Even though I am not just a husband when you were a passive wife. I promise you today with this my Now Vow to be there when you need me or for as long as you’re alive. For our love knows no time. Our love knows no pain. Our love takes us to a happy place. Not in the courtroom and not in Disneyland. But right here on stage, in front of every woman and man. The world is at peace when we are together. My Now Vow today is to love you forever.”

Ito naman ang “Now Vow” ni Pops:

“You know what, Mart, this is the hardest thing I’ve ever done. When I was writing, I’m already crying. I couldn’t help myself. This is the hardest thing I’ll ever do, not because I don’t have a way but because I’m still full of emotion. Back when I was still a little girl, we have so many little dreams together. We made a vow to never be apart till the end of time. Obviously, the time changed. I’ve realized that promises can be broken. So from now on, no more promises. No more promises that we can’t keep. Only an agreement that no matter what, we will always help each other in raising our boys. We’ll show them the true meaning of love regardless of the situation that we’ve been through. That there’s still a happy ending when they do decide to find the one they’ll love. That even if sometimes, there are troubles and complication that will come their way. They will unconditionally love and respect their partner even in those times that are impossible. That little girl has found a way to turn into a woman and I thank you for the two best gifts that I will value and adore forever. And this time, I totally say without any fear…forever. Thank you also for finally seeing what I’m worth. I used to pray all the time that one day, you’ll see that real person in me. And I now thank you that you appreciate me for who I am. I promise to be your friend and that is an agreement. I am here to listen and try to understand you and help you. And I do wish you’ll find your joy and inner peace and when you do, you just got to hold on to it. And no matter what and whoever you will be, I will always care for you and I love you.”

Habang nagpapalitan ng kanilang “Now Vows” sina Martin at Pops, nasa backstage lamang si Jomari at nanonood sa TV monitor. Marami rin ang humanga kay Jomari dahil ibinigay talaga ang moment na yun kina Pops at Martin at sa mga libu-libong fanatics na nanood ng Missing You.

Ramon Christopher-Lotlot de Leon:

Sila ay masasabing perfect couple hindi lamang sa kamera maging sa totoong buhay. Ang kanilang pag-iibigan ay nagsimula noong 80’s kung saan naging magkatambal sila sa pelikula. Kapag sinabing Lotlot, susundan agad yan ng Monching. Ang kanilang pagmamahalan na sa kamera lamang nag-umpisa ay nauwi sa kasalan noong Marso 27, 1989 sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan (Philippine Entertainment Portal [Manila] 2008 May 06). Nagpahinga muna sila sa showbiz at itinuon nila ang kanilang pansin sa pagpaplaki sa kanilang apat na anak. Ngunit pagkatapos ng 19 taong pagsasama, nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.


Noong Mayo 1, 2006, lumabas lamang ang desisyon ng korte na mapawalang-bisa ang kanilang kasal dahil kapwa sila underage noong ikasal. Maalalang si Lotlot mismo ang nag-file ng annulment sa korte noong 2005. Sa personal na interbyu sa kanya inilabas niya ang kanyang tunay na nararamdaman. "Kasi unang-una, may mga anak kami and we're not proud... God only knows. I know Monching and I really tried to make the marriage work but hindi talaga, e. But what's good about this is I know that Mon and I learned so much from the relationship, na 19 years na pinagsamahan namin. I just hope na maging leksiyon sa mga kagaya ko, na desidido sila't gusto nila yung gagawin nila" (Philippine Entertainment Portal [Manila] 2008 May 06). Sa kanyang pahayag na ito mararamdaman mo ang kanyang pagmamahal pa rin sa kanyang pamilya.

Alam nila sa kani-kanilang loob na minahal at rinespeto nila ang isa’t isa upang mapanatili ang kanilang relasyon sa loob ng 19 taon (Philippine Entertainment Portal [Manila] 2008 May 06). Marami na rin silang napagdaanang pagsubok ngunit naaayos naman nila ito agad kapag iniisip nilang may mga anak sila. Siguro, dumating na din sila sa point na pagod na rin sila sa pakikipaglaban sa mga pagsubok sa kanilang relasyon kaya mas pinili na lamang na maging magkaibigan. Noong 2004, balitang lagi silang nag-aaway ni Monching na naging dahilan upang lumipat si Lotlot sa apartment ng kanyang kapatid na si Matet de Leon.

Sa kasalukuyan, hindi man sila nakatira sa isang bahay, magkaramay naman sila sa pagpapalaki ng kanilang anak. Nananatili pa rin ang kanilang magandang relasyon bilang magkaibigan.

Janice de Belen-John Estrada:

Sino naman ang makakalimot kay Janice de Belen na unang lumabas bilang “Flordeluna” noong kanyang kabataan. Pagdating sa pag-ibig, kilala si Janice bilang martir. Kapag nagmahal, binibigay niya ang lahat. “All or nothing at all,” sabi nga ni John. Dalawang beses siyang nagmahal at dalawang beses din siyang naging sawi sa pag-ibig. Una siyang nagkaroon ng relasyon kay Gabby Concepcion noong 14 taong gulang pa lang siya bago si Aga Muhlach kung saan nagkaroon siya ng isang anak, Luigi. Ang kanyang walang kapantay na pagmamahal sa kanyang mga naunang pag-ibig ang naging dahilan lamang ito ng kanyang matinding hinanakit (http://www.janicedebelen.com/biography.html)

Sa kabila nito, muling umibig siya kay John Estrada kung saan nagkaroon sila ng apat na anak. Kagaya ng ibang artista nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagmamahalan dahil sa 3rd party. Marahil siguro dahil sa likas na palakaibigan si John sa mga babae kaya marami ang nahuhulog sa kanya.

Gaya na lamang ng "kissing photo" scandal nila ni Gretchen Barretto ngunit buti na lang at nanahimik siya. (STAR [Manila] 2007 Marso 19). Marami ang nagsasabing dapat daw ay ipinagtanggol niya si Gretchen ngunit bilang beteranong aktor alam na niyang kung magsasalita siya baka mas lumaki pa ang isyu.

Pagdating naman sa pag-ibig, masakripisyo si John. Sa katunayan, nagkaroon sila ng long distance relationship ni Vanessa del Bianco na nagtagal din ng maraming taon. Naging pabalik-balik siya ng Los Angeles makita lamang si Vanessa noon. May plano na sana silang magpakasal noon, pero talagang hindi uubra ang long-distance affair kaya si Vanessa na mismo ang nag-desisyon na makipag-split.

Sa kasalukuyan, masaya naman siya sa piling ng kanyang bagong girlfriend. Kitang-kita sa kislap ng mga mata ni John Estrada ang sobrang kaligayahan dahil kay Miss Earth 2004 from Brazil na siPriscilla Meirelles. Nakilala niya si Priscilla nung ginagawa pa nila ang MTB: Magandang Tanghali Bayan sa Eastwood at doon nag-dinner ang mga kandidata ng Miss Earth. Unang pagkakita niya pa lang ay nabighani na siya sa kanyang kagandahan. Ipinakilala siya ngunit hindi pa sila nagpalitan ng number nung gabing ‘yon sila pa ni Vanessa non. Ngunit pagkatapos raw ng tatlong taon ay muli silang pinagtagpo at doon nagsimula ang maganda nilang pagtitinginan. Si John din ang isa sa mga dahilan kung bakit nananatili si Priscilla sa Pilipinas. Nilinaw agad ni John sa Brazilian beauty queen na kung gusto nitong magtagal ang relasyon nila, dapat ay willing itong mag-sacrifice by making the Philippines her base. Nangangahulugan lang na namumuhay rito si Priscilla dahil mahal na talaga niya si John. Ito rin ang dahilan kung bakit inamin ni John na nag-iingat na siya sa mga intriga (STAR [Manila] 2007 Marso 19).

Hindi pa naman daw sila naglilive-in dahil nakatira si Priscilla ngayon sa isang condo sa Makati habang siya naman ay sa Wack-wack. Mas napamahal na rin si John sa kanya, hindi lamang dahil sa kagandahan nito ngunit pati na rin sa kanyang magandang ugali. Ayon kay John, napaka-down-to earth at napakabait niya. (STAR [Manila] 2007 Marso 19).

Maayos din ang usapan ni John at ng dati niyang asawa na si Janice de Belen tungkol sa kanilang mga anak. Magsi-l6 years old pa lang si Yna, pero nakatakda na itong pumasok sa kolehiyo next year. Laging may komunikasyon sila sa isa’t isa ngunit hindi gaya ng dati, tungkol lamang sa anak nila ang kanilang pinag-uusapan. Hindi nila masyadong pinag-uusapan ang kani-kanilang personal na buhay. Nagpapalitan din sila ng ideya kapag may problemang hinaharap ang kanilang mga anak (Philippine Entertainment Portal [Manila] 2007 March 26).

Nagbibigay din siya ng buwanang sustento, pang-grocery at iba pa. Siya rin ang nagbabayad ng kanilang tutition fees. Mabait naman si Janice kaya kahit anong oras ay pwede niyang bisitahin sina Ynah, Moira, Kyla at Yuan. Pinupuri din ni John si Janice dahil sa pagiging mapagmahal nitong kaibigan sa kanya at ina sa kanyang mga anak.

Lalong gumaganda naman ang career ngayon ng aktor na si John Estrada dahil bukod sa pagkakasama niya sa bagong Sine Serye ng ABS-CBN na Lastikman, heto at napili siyang gumanap bilang mister ni Sharon Cuneta sa pelikulang London Caregiver (tentative title) ng Star Cinema. Samantalang si Janice de Belen ay isa pa rin siya sa host ng “Sis” ng GMA-7 at napapabalitang may bago siyang inspirasyon ngayon na may initials na J.P. (Philippine Entertainment Portal [Manila] 2009 Enero 9).

Nang tanungin si John tungkol sa bagong kasintahan ni Janice at ang diumano'y planong pagpapakasal nila, ipinaliwanag ng aktor na medyo ayaw niya noong una dahil baka daw hindi niya matanggap ang kanilang mga anak. Ngunit sa banding huli, naging okey din naman sa kanya kung magpapakasal nga itong si Janice dahil sinabi mismo ng kanyang anak na mabait ang boyfriend ni Janice sa kanila.

Meryll Soriano-Bernard Palanca:

Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas, matapos matuldukan ang relasyon nina Bernard at Rica, ay sinabi na nina Bernard at Meryll ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa.

Kasunod nito ang matunog na balitang ikinasal na daw sina Bernard Palanca at Meryl Soriano. Si Mayor JV Ejercito ng San Juan ang nagkasal sa dalawa noong September 8, 2006. Isang simpleng civil wedding ang naganap at ilan lang ang nakasaksi sa seremonya. Matatandaang hindi sinipot ng pamilya ni Meryll, kahit ng kanyang tiyahing si Maricel Soriano, ang kasal nila ni Bernard.

Tila biglaan kasi ang desisyong pagpapakasal nina Meryl at Bernard Palanca. Isang linggo ang nakaraan matapos sabihin nila Meryl at Bernard sa publiko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa ay agad naming nabalita na nagpakasal sa huwes ang dalawa. Nagsama sina Meryll at Bernard sa bahay ng mga Palanca sa San Juan.

Ngunit, pagkatapos ng wala pang ng limang buwang pagsasama ay ibinalita na kumpirmadong hiwalay ang bagong kasal pa lang na sina Meryll Soriano at Bernard Palanca. Si Meryll diumano ang nagdesisyon na makipaghiwalay kay Bernard. Sa kasalukuyan, wala pang plano si Meryll na balikan ang kanyang asawa dahil sa isang matinding dahilan. Ayon sa ilang malalapit sa dalawa, it has something to do with "substance abuse." Ayon naman sa ibang balita, “irreconcilable differences” daw ang dahilan.

Nakakagulat ang balitang ito dahil sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Meryll sa opening night ng IndieSine: Bagong Agos sa Robinsons Galleria noong January 16—na lumabas noong January 17—ay masayang-masaya pa ang aktres na nagkuwento tungkol sa kanyang pagbubuntis at sa pagsasama nila ni Bernard.

"Sobra! I'm very happy! Obvious naman, 'di ba?" sabi pa niya noon about her pregnancy. Ibinahagi pa nga ni Meryll na lalaki ang gusto nila ni Bernard na maging panganay na anak.

Sa ngayon, parehong temporary inactive sina Meryll at Bernard sa kani-kanilang showbiz career. Ang kanilang anak ay lalake at mahigit isang taon na. Siya ay nasa pangangalaga ngayon ni Meryll. Gaya rin ng ibang artista na naghiwalay, nananatili silang magkaibigan alang-alang sa kanilang anak na si Elijah.

Samantalang si Bernard Palanca ay nagtatrabaho na ngayon sa Melbourne, Australia. Ang huling balik ni Bernard sa Pilipinas ay noong Mayo 2008 nang bisitahin niya ang kanyang anak. Isang buwan kasi matapos iluwal ni Meryll si Elijah ay tumulak na agad papuntang Australia si Bernard. Nanganak si Meryll noong August 2007 samantalang si Bernard ay lumipad patungong Australia ng September. Maganda naman daw ang naging pagdalaw ni Bernard kay Elijah.

Ilan naman sa mga artista na hiwalay na sa kani-kanilang non-showbiz na asawa ay sina:

Ruffa Gutierrez –Yilmaz Bektas:

Ang kanilang kasal ay parang kasal ng prinsesa at prinsipe. Si Ruffa ay ikinasal sa milyonaryong si Yilmaz Bektas ng Turkey noong Mayo 25, 2003. Marami ang nagsabing maswerte si Ruffa sa kanyang asawa ngunit matapos ang apat na taong pagsasama ay naghiwalay na rin sila. Umuwi si Ruffa sa bansa at ipinagtapat ang ginawang pang-aabuso na ginawa sa kanya. Kasabay nito ang paglabas ng maraming isyu. Naging laman sila ng mga pahayagan, telebisyon at usap-usapan. Dumating na rin sila sa punto na nagbitiwan sila ng masasakit na salita sa isa’s isa.

Sa isang phone talk ng Startalk kay Yilmaz, ipinahayag niyang lahat ang kayangg saloobin. Unang punto, hindi papayagan ni Yilmaz ang anumang kumpanya na gamitin sa magazine o kung anumang commercial ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice. Ikalawa, balak din daw ni Yilmaz na magsampa ng kaso laban sa asawang si Ruffa Gutierrez dahil noong ikinasal sila noong May 25, 2003 ay may asawa na diumano ang actress-beauty queen. May balita kasing bago nagpakasal si Ruffa kay Yilmaz ay ikinasal na siya sa isang Richard Daloia noong January 18, 1999 sa Las Vegas, Nevada. Idiniin ni Yilmaz na ang ginawa ni Ruffa ay labag sa batas ng Turkey at European Union.Ikatlo, ang pagpunta ni Ruffa sa Los Angeles, dalawang linggo na ang nakararaan, ay hindi diumano para makapag-”soul searching” kundi upang kunin ang mga papeles ng kanyang unang kasal. Ikaapat, idiniin ni Yilmaz na ang dalawang anak nila ni Ruffa ay US citizens at hindi maaaring kupkupin dito sa Pilipinas. Gagawin daw ni Yilmaz ang lahat ng mga legal na paraan upang makuha ang kanilang mga anak dahil, ayon sa kanya, hindi naging isang mabuting ina si Ruffa sa kanilang dalawang anak. Dagdag pa ni Yilmaz, madalas diumano na kapag tumatawag siya ay wala si Ruffa at ang kanilang dalawang anak ay naiiwan lamang sa yaya.

Sa sumunod na punto, binawi ni Yilmaz ang una niyang pahayag na hindi ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama ang tinutukoy niyang “materialist person.” Tungkol naman sa pambubugbog diumano niya kay Ruffa, hindi raw ito totoo at paninindigan niya ito. Ang ginagawa raw ni Ruffa ay nire-rekord ni Ruffa ang boses ni Yilmaz tuwing nagtatalo silang mag-asawa.At ang pinakahuli na ipinunto ni Yilmaz ay ang tungkol sa divorce nila ni Ruffa. Ayon kay Yilmaz, hindi na raw kailangan pang humiling nito dahil unang-una ay hindi naman daw legal ang naganap na kasal nila noong May 25, 2003.

Bilang panghuli, nagbigay ng mensahe si Yilmaz para kay Ruffa. “Lady Sharmaine Gutierrez, whatever it is you deserve, that will [be given] to you. I find you in the garbage and I put you back in the garbage. But still, I will find. I’m not gonna stop whatever I will gonna said. I’m gonna follow my mind, and your Mom and you, and this…I don’t know the name yet, I’m gonna find out. I will tell you, each moment has its consequences. My words are not just for you, for your Mom, and whoever he’s hiding himself, he’s safe. I’m not gonna speak so much, but I will gonna move and take further actions.”

Makikita sa pahayag na ito na isa sa mga dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang magkaibang pananaw nila sa buhay dahil sa magkaibang kulturang kinagisnan.

Matapos ang ilang linggong pagpapalitan ng mga salita, pumunta si Yilmaz noong Augusto 2007 sa Pilipinas upang ayusin ang lahat. Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap.Bumalik siya sa Turkey at hinayaang dito manirahan ang kanyang mag-ina.

At nitong huling lingo (2009) ay lumabas sa mga pahayagan at magazines sa Turkey, kagaya ng Hurriyet, na may bagong babaeng idini-date si Yilmaz. Ang bagong babae sa buhay ng Turkish businessman, ayon sa mga reports, ay si Zuleyka Rivera Mendoza-ang 2006 Miss Universe mula sa Puerto Rico.


Sa isang issue ng Hurriyet ay may artikulo tungkol sa relasyon nina Yilmaz at ng 20 years old na si Zuleyka. Nabanggit din ang pangalan ni Ruffa. Pagkatapos lumabas ng balitang ito tungkol kina Yilmaz at Zuleyka. Ayon sa malalapit na kaibigan ni Ruffa, naiyak ang TV host-actress nang mabalitaang may girlfriend na si Yilmaz.


Nag-aalala ang mga kaibigan ni Ruffa na baka sa mga bagong pangyayaring ito ay magkabalikan pa ang mag-asawa. Sabi nila, ganun daw kasi talaga ang ugali ni Yilmaz. Pinapagselos lang nito si Ruffa sa pamamagitan ng pagpapakita na may iba nang babae sa buhay niya bilang pang-akit ulit sa asawa.


Kung si Yilmaz ay may bago nang minamahal, sa tingin naman ng mga kaibigan ni Ruffa, ay wala pa ring ipinapalit ang TV host-actress sa kanyang asawa ng ilang taon.


Tungkol naman sa mga anak nina Ruffa at Yilmaz na sina Lorin at Venice, ayon sa malalapit na kaibigan ng TV host-actress, tila hindi na nabibigyan ni Yilmaz ng atensiyon, panahon, at suporta ang mga bata kaya ito raw ang ikinalulungkot ni Ruffa.

Sa kasalukuyan, nakakontrata siya sa ABS-CBN. Marami ang kanyang pinagkakaabalahang programa ngayon; isa siya sa host ng “The Buzz”, isa rin siya sa cast ng “Betty La Fea” at host ng kanyang bagong morning show na “Ruffa and Ai.”

Sheryl Cruz-Norman Busto:

Si Sheryl Cruz ay ipinanganak noong Abril 5, 1974 sa Makati mula sa angkan ng mga artsita. Pinsan niya sina Donna Cruz, Geneva Cruz, Sunshine Cruz, Rayver Cruz, and Rodjun Cruz na kapwa rin mga artista.

Inumpisahan niya ang kanyang showbiz career sa murang edad pa lamang. Nanalo siyang Best child Actress sa Famas sa pelikulang “Mga Basang Sisisw” at “Roman Rapido”. Naging isya siya sa mga Regal babies at naging bahagi rin ng youth orientedTV show na “That’s Entertainment.” Mas lalong nabuhay ang kanyang career nang maging magkatambal sila ni Romnick Sarmenta at nakilala bilang "The Princess of the Philippine Movie". Sa gitna ng kanyang kasikatan, matatandaang iniwan ni Sheryl ang kanyang showbiz career sa Pilipinas matapos silang ikasal ni Norman dito sa Pilipinas.


Nakilala niya si Norman noong 1996 sa isang Filipiniana festival sa San Francisco.Si Norman ang isa sa mga security volunteer na naka-asign para bantayan siya. Tinanong niya ang kanyang pangalan at pinalitan niya ng “Norman” ng lyrics na “Mr. dream boy” nang ikanta niya ito sa stage. Hindi lubos maisip ni Sheryl na tototohanin ni Norman ang kanyang pagiging Mr. Dream Boy. Hindi alam noon ni Norman na si Sheryl ay isang artista dito sa Pilipinas dahil lumaki siya sa san Francisco. Pagkatapos ng gabing iyon, nagkukwentuhan silang dalawa at doon nag-umpisa ang lahat. Mas naging nahulog ang loob ni Sheryl kay Norman dahil sa malaking determinasyon na nakita niya sa kanya. Naging pabalik-balik si Norman galing sa San Francisco patungong Antioch, California para bisitahin si Sheryl halos araw-araw. Hindi nagtagal ikinasal ang dalawa noong Augusto 21, 1996 sa Ciudad Fernandia Restaurant in Greenhills, San Juan (Philippine Entertainment Portal [Manila] 2008 Marso 12). Ito ang pangatlong beses na ikasal sila dahil ang kanilang unang kasal ay nangyari sa Chapel of Bells in South Lake Tahoe sa California. Isa lamang itong casual wedding at ang tanging witness lamang noon ay ang kanyang ina. Sa katunayan, naka-jeans lamang siya noon ganun din ang kanyang ina. Pagkatapos, lumipad siya patungo dito sa Pilipinas para tapusin ang kanyang huling pelikula na “Ikaw Naman ang Iiyak.”

Dito pa lamang niya ibinalita sa kanyang mga kapamilya dito sa Pilipinas ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Norman sa California. Nang dumating ang tamang pagkakataon, pumunta si Norman dito sa Pilipinas upang makilala ng lubusan ang kanyang pamilya. At dito na nga nagyari ang pangatlong beses nilang kasal.

Pinili niyang mamuhay na malayo sa intriga ngunit hindi pa rin niya maikakaila na hinahanap-hanap din ng kanyang sarili ang kinagisnang gawin, ang pag-arte. Kaya naman bumalik siya sa bansa at napabilang sa cast ng “Mano Po 3:My Love.”

Noong nakaraang taon (2008), ikinabigla ng marami, maging ng aktres mismo sa paglabas ni Norman ng isang broadsheet na naghiwalay na sila. Parang biglaan ang lahat dahil wala manlang senyales na mauuwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Mariin namang itinanggi ng dating child-actress na ang pagbabalik telebisyon ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Huling nakita si Norman apat na linggo lamang ang nakalilipas nang bumisita muli ang mister ni Sheryl dito sa Pilipinas. Sinamahan ni Norman si Sheryl at ang kanilang anak na si Ashley—na magse-seven years old na sa May 25—sa reunion ng Sampaguita stars sa studio ng naturang movie company sa Quezon City (Philippine Entertainment Portal [Manila] 2008 Marso 12). Wala naming nahalata ang lahat na may problema sa pagsasama nina Sheryl at Norman base sa ikinilos nila sa naturang okasyon.

Pero noon pa man ay marami na ang nagtaka nang magdesisyon si Sheryl na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas noong 2004, samantalang si Norman naman ay nanatili sa San Francsico kung saan ito nagtatrabaho. Dapat sana ay bakasyon lang ang ipinunta ni Sheryl sa Pilipinas ngunit na-extend ito nang na-extend hanggang sa magdesisyon siyang dito na manirahan ulit. Bumili siya ng bahay sa isang subdivision sa Quezon City kung saan sila naninirahan ngayon ni Ashley.

Bagama't regular na bumibisita si Norman sa kanyang mag-ina dito sa Pilipinas, at ganun din si Sheryl, hindi pa rin maiwasan na itanong sa aktres kung wala ba talagang problema sa kanilang pagsasama. Tuwina, sinasabi ni Sheryl na pareho nilang desisyon ni Norman na manatili muna siya rito sa Pilipinas at ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Sa isang interbyu kay Norman, itinanggi niyang may third party involved sa paghihiwalay nila ni Sheryl.


Paliwanag ni Norman, "Our long periods of separation have taken their toll. Four years is a long time. She's there working and I'm here working. We have taken different career paths. I understand that she enjoys working in showbiz and she understands that I can't leave my job [in San Francisco]. I can't join Sheryl in the Philippines and be a burden to her," dagdag niya. "You see, I'm used to working and earning my own keep since I was young and I just couldn't depend on my wife to support me. That's not me. I think we are faced with irreconcilable differences, so... This is a very hard decision for us to make. It's great when we are together but life is just hard and lonely for me when I'm alone, living by myself in our big house. It's a situation that is just unhealthy for any couple" (Philippine Entertainment Portal [Manila] 2008 Marso 12).


Sa pahayag na ito, masasabing ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang magkataliwas na uri ng buhay. Si Sheryl ay lumaki sa showbiz kaya hindi niya maiwanan ang Pilipinas habang si Norman naman ay gustong sa Amerika dahil andun nga naman ang kanyang trabaho. Bawat isa ay ayaw magparaya. Hindi nila pinagkasunduan kung ano ang mas makakabuti sa kanilang dalawa.

Sa ngayon, ang kanilang anak na si Ashley ay nasa pangangalaga ni Sheryl. Magkaibigan pa rin naman sila ng dating asawa at kapwa nagtutulungan sa pagpapalaki ng kanilang anak. Siya rin ay aktibo ngayon sa showbiz. Siya ang naging bida ng dalawang beses sa Now and Forever seasons. Maganda rin ang kanyang naging pagganap bilang kontrabida sa “Bakekeng”. Lumipat siya ng ABS-CBN ngunit matapos din ang kanyang pagganap bilang kontrabida sa “Princess Sarah”, bumalik din siya sa GMA-7. Isa siya sa cast nguon ng high-rating teleserye ni Heart Evangelista na “Luna Mystika”.

Willie Revillame-Liz Almoro:

Nakilala si Willie Revillame bilang isang magaling na komedyante ngunit bago pa siya pumasok sa showbiz, siya ay nagtatrabaho bilang isang drummer. Namayagpag siya bilang host ng MTB maraming viewers at kritiko ang nakapansin sa pag-aarte nito na parang "sex maniac" dahil sa kanyang kilos sa isa sa Calendar Girl contestants. Sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN, hindi pa rin nito naiwasang magbiro ng mga nasty jokes na nagging dahilan para masuspendi siya ng ilang buwan. Noong 2003, matapos muling gumawa ng isang pagkakamali at mabigyan siyang muli ng warning ng MTRBC, binalak na nitong mag-resign. Umalis siya sa ABS-CBN ngunit nakatanggap naman siya ng bagong show sa ABC-5 na “Puso o Pera.” Napansin pa rin ang pagtangkilik sa kanya ng masa sa kabila ng mga napagdaanan niya kaya naman tinawagan pa rin siya ng ABS-CBN para sa isang noontime show. Ibinigay sa kanya ang bagong noontime game show na Wowowee noong 2005 na tinangkilik naman ng masa dahil sa binibigay nitong bagong pag-asa sa mga mahihirap nating kababayan.

Kasabay din nito ang pagpasok ni Liz Almoro sa kanyang buhay. Isang civil wedding ang naganap para sa kanilang dalawa sa Lipa, Batangas noong Marso, 2005 sa pangunguna ni Mayor Vilma Santos. Ito ay sinundan ng kanilang church wedding noong Hunyo sa taon ding ‘yon. Tinagurian itong isa sa mga "Wedding of the Year" for 2005 ng Yes! Magazine. Ang kanilang pag-iibigan ay nagbunga ng isang supling na pingalanan nilang Juan Emmanuel o Juamee.


Ang akala ng lahat ay tuloy-tuloy na ang swerte ni Willie sa pag-ibig ngunit naharap sa matinding intriga ang kanilang pagsasama na nauwi rin sa hiwalayan. Noong Hulyo 16, 2007, lumabas si Liz at sinabi niyang biktima siya ng domestic violence. Nagsampa si Liz laban kay Willie sa Quezon City court under Criminal Case No. Q-07-147787 dahil umano sa paglabag nito sa Section 5, RA 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Chidren Act” dahil sa pagpapahiya at pagsigaw kanya habang hawak nito ang kanilang anak. Sinabi rin niyang muntik na siyang batukan ng silya at ibato sa kanya ang remote control.

Sa kabilang dako, napatunayan ng korte na walang katotohanan ang mga bintang ni Liz kay Willie. Hindi din binigyan ng atensiyon ang sinabi ni Liz na “she felt emotionally and psychologically abused when (Willie) denied her physical intimacy” na nagiging dahilan ng kanilang away. Sinabi ng korte na hindi totoong may babae si Willie kaya nawawlan na siya ng gana kay Liz. Ito diumano ay dahil sa sobrang pagod sa trabaho.

Napawalang-bisa naman ang kasal dahil sa “psychological incapacity” ng magkabilang panig under Article 36 of the Family Code. With the annulment, “both parties are restored to their single or unmarried status and petitioner’s prayer to revert and use her maiden name, Floralice Almoro, is granted.” Ang kustodiya sa bata ay napunta kay Liz at binigyan ng “ visitorial rights” si Willie. Siya din ay magbibigay ng Php150,000 buwan-buwan bilang sustento sa bata. Lininis na din ng korte ang pangalan ni Willie sa kasong isinampa ni Liz sa kanya na “ Violation of Section 5 of the Republic Act. No. 9262 in Criminal Case No. Q-07-147887” (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004).

Kung iyong sisiyasatin, ang di pagkakaintindihan ay dahil sa hindi nila kayang gampanan ang papel na gusto ng bawat isa na makita. Ayon sa Yes Magazine, “It is a product of their want of strength of character to meet the consequences of marriage which consistently resulted to the disappointment of each other, resulting to their consistent arguments and quarrels.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na ikinasal si Willie dahil una siyang ikinasal kay Princess Punzalan ngunit sa hiwalayan din natapos ang lahat. a kasalukuyan ay tatlo na ang kanyang anak tatlo ring babae.

Ilan pa sa mga artista na hiwalay na sa kni-kanilang mga asawa ay ang mga sumusunod:

Nora Aunor - Christopher de leon

Vilma Santos - Edu Manzano

SnookeySerna-Ricardo Cepeda

Marjhorie Barreto-Dennis Padilla

Regine Tolentino - Lander Vera

Kuh Ledesma - Louie Gonzales

Ian de Leon - Issa Vicente


Ang mga nabanggit na mga artista ay iilan lamang sa mga may isyu ng hiwalayan. Hindi pa ito nangangalahati sa kabuuang bilang ng mga artistang na may isyu ng hiwalayan.

Sa ulat naman ng “24 Hour” ng GMA, bumaba na ang bilang ng mga napapakasal sa Pilipinas habang lumolobo naman ang dami ang mga naghihiwalay kasabay na ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal sa mga Korte ayon sa Office of the Solicitor General kasama na dito ang mga artista.


Narito ang grap na nagpapakita ng kabuuang bilang ng mga hiwalayan sa Pilipinas ayon kay Solicitor General Agnes Devanadera mula 2005 hanggang 2007:




Puna pa ni Devanadera, tila kinukunsinte na ang bagay na ito ng ating lipunan kaya naman nanawagan siya sa simbahan na umaksyon ukol rito. Ayon pa kay Cruz na siya ring pinuno ng CBCP National Appellate Matrimonial Tribunal, dapat taasa ang gulang ng mga ikinakasal dahil sadyang “psychologically unprepared and emotionally unstable” pa ang mga ikinakasal sa gulang na 18.

Ayon sa panayam ng DZRV – Radyo Veritas 846 khz kay Archbishop Oscar Cruz, ang problema sa mga ikinakasal sa henerasyon ngayon ay nakatuon ang kanilang pansin sa nangyayari sa kasalukuyan. Hindi nila iniisip ang bukas o ang hinaharap. Ang pinakamahirap na gawin ay yaong “to look far, far ahead”. Ang mga tao ngayon ay madaling makuha ng kanilang nararamdaman. Yung konting kilig dito, konting kilig doon; pag-ibig na raw iyon. Ito ang isa sa mga dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa.

Halos naman lahat ng mga Tomasino, sinasabing ang dahilan ng hiwalayan ay ang mismong magulong mundo ng showbiz. Hindi dahil sa artista mismo kundi dahil sa kapaligiran nito. Sapagkat ginagawa ng lahat sa kanilang paligid, ang akala na nila ay tanggap na. Ayon pa kay Angell Rainbouo Ang ng College of Nursing (Pebrero 5, 2009), ang pagpasok ng media sa personal na buhay ng isang artista ang nagiging dahilan ng tuluyang paghihiwalay. Mas lalong nagiging komplikado ang lahat kapag ibinalita ito sa telebisyon. Kaya imbes na maayos, mas nagiging magulo.


Pangwakas


A. Pangwakas

Naging bahagi na sa yugto ng buhay ng isang artista ang hiwalayan. Lahat ng artista na may isyu ng hiwalayan ay may karaniwang pagkakatulad ang framework ng kanilang relasyon o may sinusundang pattern. Halos lahat ay nag-uumpisa lamang ang pagtitinginan dahil sila ay naging magkatambal sa pelikula. Pangalawa, sasabihin sa publiko na mahal na mahal na nila ang isa’t isa. Pangatlo, Magpapakasal ng sibil bago magpakasal sa simbahan. Pang-apat, magkakaroon ng isa o higit pang anak. Panglima, maghihiwalay dahil sa simpleng dahilan. Pang-anim, Magfa-file ng annulment case. Panghuli, hindi muna magpapansinan at tsaka sasabihin na magkaibigan na sila alang-alang sa kanilang mga anak. Kaya naman ang mga anak ang nagiging tulay na lamang para makapg-usap ang dalawang dating mag-asawa. Ngunit, para naman sa mga dating mag-asawa na walang anak, karaniwan ay wala na silang komunikasyon.


Ilan sa mga dahilan ng mga hiwalayan ay:


Ang “irreconcilable differences” ay resulta lamang ito ng simpleng hindi pagkakaintindihan ng dalawang mag-asawa na pwedeng maayos ngunit dahil ayaw na rin ng dalawa ng ayusin ang lahat, nagiging “irreconcilable” ito. Sila na din mismo ang gumawa ng kanilang desisyon na huwag itong pag-usapan at tapusin na ang lahat. Hindi nila binibigayan ng isa pang pagkakataon ang kani-kanilang sarili upang maayos ang lahat dahil gusto rin nila. Ang “differences” ay dala lamang ito ng magkaibang pananaw sa buhay dahil sa magkaibang kinagisnang mundo. Halimbawa nito ay sina Ruffa;Yilmaz at Sheryl;Norman.


Ang “physiological incapacity” na nagiging resulta ng hindi maayos na ugali o kilos ng isa o kapwa mag-asawa ay isa ring dahilan ng hiwalayan. Ito ay maaaring may kinalaman sa mga artistang ikinakasal sa murang edad. Nadala lamang sila sa kapusukan ng kanilang nararamdaman na akala nila ay pag-ibig. Kaya sa paglipas ng panahon, nawawala na ang interes sa isa’t isa dahil wala itong pundasyon. Ang kawalan din ng tiwala ang nagiging dahilan ng hiwalayan. Halimbawa na lamang sa nangyari Kung minsan, ininisip din ng kina Jomari at Aiko, Liz at Willie.


Marami naman sa mga artista ang hindi pa rin maiwanan ang showbiz kaya sa kagustuhan nilang maging aktibo muli, naisasakripisyo nila ang kanilang pamilya. Ito ang madalas na dahilan ng hiwalayan na mga artista na nag-asawa ng non-showbiz.


Taliwas naman sa akala ng lahat, kokonti lang sa mga artista ang naghiwalay dahil sa isyu ng 3rd party. Halos sa mga artista ay nagkakaroon lamang ng bagong boyfriend or girlfriend pagkatapos maghiwalay o mapawalang-bisa ang kasal sa dating asawa.


Sa paghihiwalay ng mag-asawa, kapwa naaapektuhan ang kani-kanilang relasyon sa bawat isa. Ngunit ang higit na naaapektuhan ay ang kanilang mga anak. Halos, lahat ng artista na naghiwalay na ay magkaibigan hindi dahil gusto nila ngunit dahil may obligasyon pa silang dapat gampanan bilang mga magulang sa kani-kanilang mga anak. Kaya naman ang kani-kanilang mga anak ang nagsisilbing tulay sa dating mag-asawa upang mag-usap muli.


Ang mga artista matapos ang hiwalayan ay tinutuon na lang ang pansin sa pagpapalaki ng mga anak kung meron man. Ang iba naman ay umaalis na sa showbiz at nangingibang bansa ngunit halos lahat ng mga artista na hiwalay na sa kani-kanilang mga asawa ay nagiging aktibo muli sa showbiz.

Ayon sa sarbey, 7,753 marriage annulment cases ang lumapag sa mga Korte noong 2007 kumpara sa 7,138 noong 2006 at 5,773 noong 2005. Ang mga annulment cases na ito ay finafile matapos ang “physical separation” upang tuluyan ng mawala ang bisa ng kasal at pwede ng makapag-asawang muli.

Sa kabilang dako, ang simbahan ay hindi pa rin sang-ayon sa hiwalayan mas lalo na kung tinanggap mo na ang Sakramento ng Kasal. Hangga’t maaari, dapat panindigan mo ang ipinangako mo sa Diyos. Ngunit, meron namang isang dahilan ng hiwalayan na tinatanggap ng simbahan, ito ay yaong “psychological incapacity”. Ito ay galing sa simbahan na pinag-aralan ng mga mambabatas ng simbahan, kasama nila yung mga psychiatrists at psychologists sa loob ng 70 taon bago ito gawing batas ng gobyerno.

B. Kongklusyon

Karaniwang nauuwi sa hiwalayan ang mga relasyon ng mga artista dahil sa “irreconcilable differences”, “psychological incapacity”, “lack of respect”, “unwilling to sacrifice” at “3rd party”. Ang mga salik ng hiwalayan ay may kinalaman din sa kanilang kinagisnang buhay o kinalakihang kapaligiran. Upang magtagal ang relasyon, dapat marunong magpakumbaba sa isa’t isa.

Karaniwan ang mga artista ay naghihiwalay muna bago ipawalang-bisa ang kanilang kasal. Magkaiba ang pakikipaghiwalay sa pagpapawalang-bisa ng kasal. Ang pakikipaghiwalay o legal separation ay hiwalayang nasa pisikal na aspeto lamang kung saan hindi na kinakailangan pang manirahan ng mag-asawa sa isang bubong pati na rin ang paghihiwalay ng mga ari-arian. Ang kasal ng dalawang tao ay kinikilala pa rin bilang may bisa kaya hindi maaaring magpakasal ang sinuman sa mag-asawa sa ibang tao ng hindi lumalabag sa ating batas. Ang pagpapawalang bisa ng kasal o annulment naman ay tuluyan ng walang epekto ang nangyaring kasalan kaya pwedeng na silang makapag-asawang muli. Magkaugnay ang dalawang konsepto kung sa showbiz gagamitin, ngunit ito ay dalawang konsepto na magkataliwas kung sisiyasatin ang nakasaad sa batas.

C. Rekomendasyon

Minumungkahi ng mga mananaliksik na magbasa ng Bibliya upang mas maintindihan ang totoong konsepto ng Sakramento ng Kasal. Magbasa rin ng mga libro, magazines at diyaryo tungkol sa mga artista upang maging updated sa kasalukuyang kilos nila. Ang mga simpleng basahin tungkol sa mga artista ay maaari pa ring mapagkunan ng aral na maaaring i-aply sa personal na buhay. Ang iyong personalidad ay nahuhubog din habang natututo ka sa karanasan nila.


Para sa mga kabataan, huwag hayaang tangayan ka ng iyong nararamdaman. Mas mabuting bigyan ng pagkakataon ang sarili na masuri ang iyong nararamdaman. Ang totoong pag-ibig ay makapaghihintay.


Para sa mga anak na hiwalay ang kanilang mga magulang, maging matatag sa pagharap ng buhay. Matuto sa mga pagkakamali ng iyong mga magulang at huwag itong gayahin.


Para sa mga artista, maging maingat lagi sa paggawa ng desisyon dahil kayo ay inaasahang maging modelo ng kagandahang-asal. Hangga’t maaari, huwag sanang gawing solusyon ang hiwalayan kapag may konting problema dahil ang problema ay laging mas may magandang kaakibat na solusyon. Maaaring normal na ang hiwalayan sa showbiz ngunit mali pa rin ito. “Ang tama ay laging tama kahit walang gumagawa; ang mali ay laging mali kahit lahat ay ginagawa” (“Right is always right even no one is doing it; wrong is alsways wrong even everybody is doing it.”


Laging humingi ng tulong sa Diyos kapag nalilito sa pagbibigay desisyon lalong-lalo na sa pagdating ng problema sa relasyon. Kailangang tanggapin na hindi sa lahat ng oras ay tama ang ating iniisip. Tao lamang tayo na may limitasyon din ang kakayahang mag-isip.






Sanggunian:


(Exclusive interview ng DZRV – Radyo Veritas 846 khz kay Archbishop Oscar Cruz,Archdiocese of Lingayen-Dagupan Hunyo 5, 2008)

(Interview kay Angela Rainbouo Ang ng College of Engineering, UST Pebrero 5, 2009)

(http;// abs-cbnNEWS.com | 01/18/2009)

(http://www.janicedebelen.com/biography.html)

(Philippine Daily Inquirer [Manila] 2003 September 30)

(Philippine Daily Inquirer [Manila] 2004 Abril 15).

(Philippine Entertainment Portal [Manila] 2007 March 26)

(Philippine Entertainment Portal [Manila] 2009 Enero 9).

(The Star [Manila] 2003 September 30).

(The Star [Manila] 2007 Marso 19).

No comments:

Post a Comment